Jump to content
Sign in to follow this  
hyperknuckles77

Tagalog Fanfic: "darkness Consumes"

Recommended Posts

Author's Note: Alright, 'tis my very first fanfic! Comments, reactions, suggestions, and constructive criticisms are very much welcome. (But please don't be too harsh, it's my first time to write a fanfic. xD) Since I'm a Zymeth fanboy, I decided to do a fanfic which centers on, yes you got it, Zymeth - Lord of the Lotus Clan. I'm actually more accustomed to using Tagalog as a medium for writing stories, hence the language of this fic. So, without further ado, here it is... my very first fanfic. ever. :o

--------------------

DARKNESS CONSUMES

(Chapter 1: "Mensahero")

Ako si Zymeth, pinuno ng Lotus Clan. Sa loob ng mahabang panahon, nanirahan kami dito sa Nasyon ng mga Serpent - nakiisa, naki-alyansa.

Matapos ang pakikipagkasundo ay pinagkalooban kami ng lupa, teritoryong matatawag naming sariling amin. Namuhay ako at ang aking mga tauhan nang masagana, ngunit alam naming ang kaligayahan ay panandalian lamang. Habang patuloy na nababalot ng korupsyon ang aming mga katawan, alam naming walang sinuman ang ligtas.

Unti-unting nangamatay ang aking mga tauhan, habang kinokonsumo ng kanilang hindi naghihilom na mga sugat ang kanilang mga namumulok na katawan. Namatay silang nagdurusa at naghihinagpis, alam na walang nagmamahal sa kanila.

Subalit ang ilan ay hindi nawalan ng pag-asa. Sa pamamagitan ng salamangka, nakahanap kami ng panandaliang paraan upang matigil ang pagdurusa at mapahaba ang buhay nitong aming mga inuuod at nagna-nanang katawan.

Namuhay kami sa kadiliman at kasamaan - ito lamang ang tanging paraan para manatili kami sa mundong ito. Nang lumaon ay hindi na kami ang dating angkan na pinandidirihan, itinataboy, at kinasusuklaman. Kami na ngayon ang angkan na tinitingala at kinatatakutan ng marami, maging ng mga Serpent na naki-alyansa sa amin.

Bagamat nakatulong ang aming salamangka upang mapalakas ang aming mga katawan, hindi pa rin ito sapat upang wakasan ang aming paghihirap at tuluyang maging malaya sa korupsyon. Tanggap na namin ang aming panghabambuhay na kapalaran, isang sumpang ipapasa namin hanggang sa mga susunod na henerasyon, isang kasuklam-suklam na parusa sa isang kasalanang hindi na mababawi pa.

...

Ngunit nagbago ang lahat nang sa wakas ay napasakamay na namin ang Orb ni Tarrant, ang sagradong bato na minamaliit ng ibang angkan. Tanging ang Lotus lamang ang naniniwala sa taglay nitong kapangyarihan.

Ang akala naming panghabambuhay na sumpa, ngayon ay tapos na. Ngayon, at magpakailanman, habang ang Orb ay nasa aming pagmamay-ari, taglay namin ang perpektong katawan - katawang hindi dinadapuan ng anumang sugat, katawang malaya sa korupsyon.

Panahon na upang angkinin kung ano ang para sa amin. Panahon na upang maghiganti at puksain ang mga nang-alipusta sa aming angkan!

--------------------

"Panginoong Zymeth," yumuko ang isang bantay na Staff Adept, "isa pong mensahero mula sa Dragon Clan ang nais kumausap sa inyo."

"At sino naman itong mensaherong ito?"

"Ayaw po niyang ibigay ang kanyang pangalan, Panginoon. Ngunit mariin po niyang ipinipilit na makausap kayo."

Nagtatakang pumaroon si Zymeth sa mahiwagang barrier ng Lotus kung saan naghihintay ang isang mongheng may hawak na mahabang tungkod.

"Ah, isang monghe. At ano naman ang pakay ng isang tulad mo dito?"

"Zymeth," mahinahong tumugon ang monghe, "Nakikita ko ang pagkabahala sa iyong mga mata."

Tila nagulat ang Pinuno ng Lotus sa sinambit ng monghe. "Walang kinatatakutan ang Lotus."

"Alam mong hindi sapat ang kapangyarihan ng Orb."

Tinaas ni Zymeth ang kanyang kilay. "Anong nalalaman mo tungkol sa Orb?"

Matalinhagang nagsalita ang monghe, "Patuloy nang pumapangibabaw ang kadiliman sa mundong ito. Nasisira na ang balanse ng yin at yang. Iwaksi niyo na ang kasamaan at magbagong-buhay. Hindi makapagpapalaya ang kasamaan sa bumabalot na korupsyon sa inyong mga katawan."

"Korupsyon? Matagal na kaming malaya sa korupsyon!"

Samantala, habang nag-uusap ang dalawa ay naulinigan ni Zymeth ang mga nag-uusisa niyang tauhan sa likuran.

"Anong tinitingin-tingin niyo riyan? Palayasin ang baliw na mongheng ito!"

"Niloloko mo ang iyong sarili, Zymeth," mahinahong tugon ng monghe, sabay alis sa teritoryo ng mga Lotus.

Kumulog at nagdilim ang langit habang galit na galit na bumalik sa kanyang Keep si Zymeth.

{{ITUTULOY}}

Share this post


Link to post
Share on other sites

at doon napunta din ang tribo wolf na napunta sa epero ng serpent pagka tapos merong isang miner na ang pangalang Grayback.

sino ba si Zymeth dito, sabi ni grayback isang uugin ka gago ka mamatay ka sana animal kan yawaa ka matay palang ng mama nmo pag hikog oi amaw!! yawa lan kang pistiha ka animal ka pakamatay oi yawa pisti animal pota madre !!.. Grrr... awoooooooooooooo for the wolf wahahah!!

Share this post


Link to post
Share on other sites
at doon napunta din ang tribo wolf na napunta sa epero ng serpent pagka tapos merong isang miner na ang pangalang Grayback.

sino ba si Zymeth dito, sabi ni grayback isang uugin ka gago ka mamatay ka sana animal kan yawaa ka matay palang ng mama nmo pag hikog oi amaw!! yawa lan kang pistiha ka animal ka pakamatay oi yawa pisti animal pota madre !!.. Grrr... awoooooooooooooo for the wolf wahahah!!

+okyo,

KAMAO DIAY KAG BINISAYA AMAWA KA.. HA HA HA HA.

:lol::lol::lol:

Share this post


Link to post
Share on other sites

Pwude pa bang ituloy ang story n2? Enjoy kong basahin 2 eh XD

Share this post


Link to post
Share on other sites

Anung klaseng storya? Nobela?

Share this post


Link to post
Share on other sites

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

Sign in to follow this  

  • Recently Browsing   0 members

    No registered users viewing this page.

×
×
  • Create New...